Pila sa Terminal ng SUV

Nakita ko na naman siya sa terminal. Gusto ko siyang batiin. Kaya lang baka kung ano na naman ang kanyang i-assume. Baka isipin na naman niyang gusto kong makipagbalikan. Gusto ko rin sana kaso masyado siyang maraming assumptions. Ayoko ng ganoon.

Baka naman i-assume ninyo na sinusundan ko siya. Hindi. Nagkakataon lang na pag coding ang kotse ko at naghihintay sa pilahan ng SUV ay nandoon din siya sa kabilang pila. Isa lang ang direksyon ng inuuwian namin.

Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang pag-a-assume niya na alam ko lagi ang nasa isip niya. Gusto niya akong maging mindreader. Oo, kulang ako sa pagiging sensitive sa mga kailangan niya pero ayoko rin namang umabot sa puntong ginagawa niya akong mindreader. Hindi ako marunong magbasa ng nasa isip ng kahit sinumang tao. Mas gusto ko iyong sinasabi kung ano ang gusto o nais. Hindi iyong pareho kaming madi-disappoint dahil hindi ako marunong bumasa ng body language at siya ay nagpapa-cute sa kanyang body language. Kung minsan, binibigyan niya ng ibang kahulugan ang aking text messages.  Pati ang mga fiction na sinusulat ko sa aking blog ay ginagawa niyang totoo. Naiisip ko nga, wala siyang tiwala sa akin. Kaya mabuti na rin ang ganito, hindi na niya ako nai-stress.

Katulad ng pagpila sa sakayan, huwag na huwag i­-assume na makakasakay ka ayon sa pang-ilan ka sa pila. Dahil minsan, bine-break ang pila ng mismong dispatcher. Kapag ganitong mga sitwasyon, hindi maiiwasang magkagulo dahil tayo ay likas na madiskarte. Gagawa at gagawa ng paraan para makauna sa pila. Kung mahina ka, maiiwan ka nga sa tamang pila ngunit mauunahan ka sa pagsakay ng mga taong nasa likod mo. Maging handa at mapagmatyag sa ikinikilos ng mga dispatcher.

Huwag na huwag mo ring ia-assume na kapag nakapila ka na ay makakasakay ka na kahit abutin ka pa ng hatinggabi. Malay mo, ikaw na lang ang naiwan sa huling pagpapasakay. Hindi ka na babalikan ng SUV. Agahan ang pagpila. Kung marami ka rin namang pera o may natira sa baon mo kahapon, mag-Uber ka na lang kaysa maubos ang oras mo sa kakatayo sa pila.

Mababaw lang ang iniisip ko kapag nasa pilahan ako. Ayoko ma-stress. Ano kaya ang iniisip ni Nanay na nasa harapan ko? Iniisip niya kaya ang kakainin ng pamilya niya? O baka naman tungkol sa trabaho ang iniisip niya. Si kuya kaya na nasa kabilang linya? Iniisip niya kaya ang girlfriend niya? Iniisip niya kaya kung kailang ang susunod na date nila? Siya kaya, ano kayang iniisip niya? Ako kaya? O iba na ang nasa isip niya?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s