Ang Simpleng Kuwento ng Babaeng Iiwanan

Kakababa ko lang ng telepono. Kakatawag lang niya. Kukuhanin na daw niya ang kanyang mga gamit. Lilipat na siya ng bahay. Iiwanan na niya ako. Ipinagpalit niya ako doon sa kaopisina niya. Mas maputi. Mas singkit. Mas mayaman siguro. Sayang lang ang mga pagkakataong magkasama kami. Ngunit mas nanghihinayang ako sa buhay na nasa sinapupunan ko. Hindi ko pa nasasabi sa kanya. Sorpresa sana ito sa kaarawan niya sa susunod na buwan. Pero nauna na ang pagkakataon. Naguluhan tuloy ako kung sasabihin ko pa sa kanya o hindi na.

Hindi na magkakaroon ng Tatay ang anak ko. Naisip ko ang maaaring mga epekto nito sa paglaki ng bata. Lagi siyang ibu-bully sa paaralan dahil wala siyang ama. Sasabihan siyang illegitimate child o putok sa buho. Bukod pa sa hirap ng pagpapalaki ng anak kapag solo ka lang na magulang.

Saglit na nahinto ang aking pag-iisip dahil sa paghinto ng sasakyan sa harap ng inuupahan naming bahay. Ito na marahil siya. Simula na ng masakit na kalooban. Bitterness at its peak. Akalain mong pagkatapos ng mahaba-habang panahong nagsama kami, mauuwi lang pala sa sawaan at hiwalayan. Halos isa’t kalahating taon.. mauuwi lang sa wala.

Binuksan ko ang pintuan. Siya na nga. “Aalis muna ako habang kinukuha mo ang mga gamit mo.”

“Hindi man lang ba tayo mag-uusap?” Tanong niya. Pucha naman. Sino ba ang may ayaw? Ako? Iiwas lang ako sa sakit pansamantala. Hindi ko siya kayang umalis at iwan ako. “Nasabi mo na naman ang gusto mo. Pinag-usapan na naman natin over the phone. Sa tingin ko, tama na iyon. Thanks for everything.” Inihabol ko na lang na sinabi habang isinasara ang pintuan.

Magpapalamig muna ako sa mall. Hindi naman niya ako sinundan. Pagdating ko sa labas ay nakita ko ang kanyang sasakyan.

Nakaramdam ako ng inis. Nakaramdam ako ng galit. Bumalik ako sa loob ng bakuran. Pumunta sa bodega na nasa gilid lang. Kinuha ang dalawang pakong kinorteng bituin. Pike ba ang tawag sa kanila?

Lumabas ulit ako. Nilagyan ko ng tig-isang pako ang ilalim ng dalawang gulong na nasa gilid ng bakod. Hindi niya ako napansin dahil busy  siya sa pag-iimpake. Nang matapos ako ay pinara ko ang paparating na taksi. Nagpahatid ako sa kalapit na mall.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s