Masikip

Pagkagising ko sa umaga, ang una kong ginagawa ay bumabangon para umihi. Pagdating ko sa banyo, itinulak ko ang pintuan. Masikip! Masikip ang siwang. Nakaharang ang batya na nagsisilbing ipunan ng tubig namin na panligo. Masikip ang banyo. Eksakto lang sa di-magaslaw na paliligo.

Dahil Huwebes ngayon, ang kailangang suot ko ay puti na may patayong linya. May nabili ako sa rummage na ginawa ng aking mga kasamahan. Isinuot ko. Pucha. Masikip na rin. Kailangan kong magpapayat dahil kailangang magkasya ang damit. Mahal bumili ng bagong damit.

Pagdating ko sa hintayan ng dyip, napansin kong medyo masikip ang espasyo. Maraming naghihintay. Kapareho ko ng oras ng pagpasok. Matatagalan ako sa paghihintay kung hindi ako gagawa ng paraan. Kailangan kong makipagsiksikan sa pagsakay!

Dumating ang dyip. Maluwag. Iilan lang ang sakay. Medyo masikip na noong ako ay nakasakay. Masikip ang panggitnang lakaran dahil sa mga tuhod. Pagtapat ko sa bakanteng bahagi ng pahabang upuan ng dyip, masikip! Hindi ako magkakasya. Ngunit kahit masikip, ipinagsiksikan ko ang aking katawan. Hassle gumalaw dahil masikip ang suot kong damit. Okey na ang kakapiranggot na espasyong nauupuan ko. Basta makakarating ako at makakapag-biometrics ng tama sa oras, preferably, alas-syete para pagpatak ng alas-kuwatro ng hapon, pwede nang umuwi.

Ngunit masikip ang kalsada. Maraming sasakyan, may dyip, may motor, may trak, may kotse, at kung anu-ano pa. May kaskasero, may usad-pagong. May kasama pang mga taong naglalakad at mga taong naghihintay sa mismong kalsada.

May mga pagkakataong gusto ko ng masikip, alam mo na iyon. Pero kapag nagmamadali ako sa pagpasok sa trabaho, ayaw ko ng masikip.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s