Kinsenas

Pamilyar ba sa iyo ang kinsenas? Malamang. Kapag nagtatrabaho ka na, malamang ang sahuran mo ay kinsenas o dalawang beses sa isang buwan. Iyong sa iba, isang beses lang, bultuhan.

Para sa akin, mas gusto ko ang kinsenas. Nababadyet ko ang aking kakarampot na sahod sa aking mga gastusin sa inuupahang kuwarto, pagkain, pamasahe, paminsan-minsang luho, insurance, social services, isama na rin diyan ang pambili ng tiket sa eroplano o pamasahe sa bus sa mga gala tuwing Sabado at Linggo.

Kapag dalawang beses ka sumahod sa isang buwan, nagkakaroon ka ng kontrol sa paggastos. Alam mo ang halaga ng pera mo sa loob ng labinlimang araw, kaya hindi ka mapapabili ng mga bagay na hindi naman talaga kailangan.

Pero kung ikaw ay minsanan sumahod sa isang buwan, magkakaroon ka ng pakiramdam na marami kang pera. Mapapabili ka ng mga bagay-bagay na hindi naman kailangan. Mapapagastos ka. At kapag ganito ang sistema ng pagsahod mo…. may tendency na minsan mo lang din siya makita.

At least, pag kinsenas, dalawang beses siyang magpapakita sa iyo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s