Pera at Pagiging Popular

Naaalala mo pa ba noong ikaw ay bata pa at nag-aaral sa mababang paaralan (elementary) noong dekada nobenta? Ang mga iskuwelahan ay mayroong tinatawag na popularity contest na ginagawa halos buwan-buwan kasabay ng pagdiriwang ng isang mahalagang okasyon gaya ng Linggo ng Wika, Nutrition Month, Book Week Celebration pati na ang may kinalaman sa estadistika. Huwag kalilimutan ang Pasko, Valentine’s Day, Araw ng Pagtatapos at ang Foundation Day. At ang isa sa mga highlight ng mga nasabing pagdiriwang ay ang pagparada ng mga prinsipe at prinsesa at ang pares ng hari at reyna. Ang lahat na miyembro ng entourage ay lalagyan ng sash at sasabitan ng corsage at lei. Para sa mas nakakataas na prinsipe at prinsipe, sila ay may maliit na korona at minsan ay bouquet para sa mga prinsesa. Para sa hari at reyna, sila ang may magandang upuan sa entablado, may tropeo, may malaking korona, may kapa, at may scepter. Isa o dalawang oras ng pakiramdam na ikaw ang sentro ng lahat, na ikaw ang bida, na ikaw ang hari.

Kung hindi ka pamilyar sa popularity contest, ito ay pinainam na tawag sa labanan ng kayamanan ng mga magulang at mga kaibigan ng magulang. Ito ay tamed version ng yabangan ng kayamanan at yabangan ng mga magulang at kanilang mga kaibigan. Siyempre, ang mga batang paparada ay wala namang pagkukuhanan pa ng pera kundi ang mga magulang.

Sabi ng Mama ko dati, isa daw itong paraan para makalikom ng pera ang iskuwelahan. May maganda namang intensyon pero mababaw. Napakababaw na dahilan. Marami namang pwedeng gawin para kumita ang paaralan. Pwedeng magluto ang guro at mga bata ng mga kakanin. Ibabawas ang mga ginastos sa kinita, tapos ang kalahati sa natira ay para sa paaralan at ang kalahati ay paghahatian ng mga guro at mga batang tumulong.

Maaaring magtanim ang mga bata ng gulay. Ang mga guro ay pwedeng magtanim ng mga bungangkahoy. Pagdating ng panahon ay maaaring magkaroon ng ani at maibenta.

O kaya, gumawa ng mga handicraft na produkto. Higit na mainam ang mga gawaing ito kaysa sa pagsasagawa ng popularity contest.

Baka naman gusto lang nating ipamulat sa mga kabataan na ang pamahalaang monarkiya ay higit na maayos kaysa sa demokrasya. Ang cool kaya maging hari o reyna. Pera lang ang katapat. Kapag may pera ka, maaari ka nang maging hari o reyna. No wonder, kahit sa mga halalan natin, gumagana ang pera. Kapag may pera ka, maaaring maluklok ka sa pwesto.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s