Simpleng Batas

Nakadalawang buwan na pala si Tatay Digong bilang Pangulo ng Pilipinas. Maraming kaganapan. Maraming mga malalaking pangyayari. Unang-una na ang pagtatalaga sa mga kasapi daw ng mga “leftist“na samahan bilang Cabinet Secretaries. At ang pinakamaugong sa lahat ay ang kusang pagsuko ng mga user at pusher ng mga ipinagbabawal na droga. Alam naman nating isa sa pinakaayaw ni Tatay Digong ang mga ilegal na droga, bukod sa kurapsyon at kriminalidad.

Bilang isang karaniwang mamamayan, nakakagulat ang biglaang pagtaas ng bilang ng mga namamatay dahil sa ilegal na droga. At the same time, nakakatakot dahil baka ikaw mismo ay madamay lang. Paano kapag madamay ang mga katulad nating mamamayang normal na nabubuhay, gigising sa umaga, magbibihis, papasok sa opisina, magtatrabaho para sa bansa, uuwi, at matutulog para may lakas sa pagharap sa darating na umaga? Sa tingin ko naman ay kontrolado naman ng mga otoridad ang mga pangyayari. Kumbaga, everything is under control.

Ang isa pang nakakatuwang pangyayari ay ang paglinis ng mga lansangan, lalo na sa matataong lugar gaya ng Divisoria, Baclaran, Alabang at Bicutan. Nawala na ang mga ilegal na sidewalk vendor. Malinis na rin ang mga kalsada. Sa ilang lugar ay may mga nagtitinda pa rin sa mga bangketa at tawirang pantao. Kaya sana, higit na paigtingin pa ang kampanya sa paglilinis ng mga bangketa, gilid ng lansangan at sa mga overpass.

Gusto ko rin sanang mabigyang-pansin ang mga problemang may kaugnayan sa mga pampublikong sasakyan gaya ng dyip at bus. Sa araw-araw na pagbabiyahe ko papasok sa trabaho, hindi nagkaroon ng araw na wala akong nakitang drayber ng dyip na walang disiplina. Kahit masikip ang mga service road ay nagpapatakbo ng matulin, nag-o-overtake kahit two lanes lang, nagbababa ng pasahero sa gitna ng kalsada at hindi man lang itabi. May mga drayber pa na nagka-cutting trip, kumbaga ay puputulin ang biyahe dahil isa o dalawa na lamang ang pasahero na diretso hanggang sa huling hintuan ng dyip. May mga drayber pa rin ng bus na nagbababa ng mga pasahero sa maling babaan. Ang A, B at C na bus-stop scheme ay hindi nasusunod.

Ang regulasyon tungkol sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar ay hindi rin nasusunod. Karaniwan ito sa mga dyip at bus. Kung minsan, ang mga drayber pa mismo ang nagyoyosi habang nagmamaneho.

Kung magagawa iyan ni Tatay Digong, marami ang matutuwa. Ang katapat lang ng mga simpleng suliranin na nabanggit ay simpleng alituntunin, simpleng regulasyon. Simpleng batas na hindi naipatupad noong nakaraang administrasyon. At sana naman ngayon, magawan na ng paraan upang maisakatuparan ang mga existing na batas o makagawa ng bagong batas na magbibigay-lunas sa mga problemang nararanasan ng ordinaryong taong katulad ko araw-araw.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s