Tatlong Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Iha-hire

Mabuti naman at graduate ka na. Tapos na ang paghihirap ng nagpapaaral sa iyo sa pagbabayad ng matrikula, laboratory fee, lecture syllabus, laboratory manual, field trip, pati na ang ID fee. Tapos na rin ang paghihirap mo sa mga quiz, midterm exams, pre-finals exams, kasama na ang finals. Hindi ka na rin magpupuyat sa mga position paper, term paper, essay, research paper, Special Projects paper at ang pangwakas na thesis.

Akala mo, tapos na ang kalbaryo mo? Hindi pa, katoto. Susunod diyan ang pag-a-apply sa trabaho. Hindi ito madaling gawin. Sa una marahil, madali ang entry-level na trabaho. Habang tumatagal, humihirap ang pag-a-apply ng trabaho.

1. Hindi ka kukuhanin dahil kulang sa qualifications o skill. Normal ito. Kung tingin ng may-ari ng kumpanya ay kulang sa kinakailangang skill o kakayahan, hindi siya susugal para i-hire ka. Tanggapin mo nang maluwag sa iyong kalooban ang reyalidad na ito. Mag-aral ka. Um-attend ka ng mga training. Mag-invest ka sa iyong intellectual prowess. Para sa susunod na mag-apply ka, hindi ka na mangangamote sa iyong qualifications.

2. Ia-assume nilang gagamitin mo lang ang posisyon sa iyong pansariling kapakanan. Sa interbyu, maaari kang matanong sa plano mo sa loob ng limang taon mo sa kumpanya o ahensya. Mag-ingat sa pagsagot ng tanong na ito dahil maaaring mapakaba mo sila sa iyong mga plano sa buhay. Kung sasabihin mong mag-aasawa ka four years from now, maaaring isipin nilang magiging pabigat ka pagdating ng panahong iyon sa kadahilanang baka mabuntis mo agad ang iyong mapapangasawa o mabubuntis ka kaagad. Lagi kang mag-a-absent. Bababa ang iyong performance na maaaring makaapekto sa overall performance ng kumpanya. Kung sasabihin mong wala ka naman talagang plano, baka isipin nilang tamad ka. Wala kang future. Hindi ka makaka-contribute sa kinabukasan ng kumpanya. At ang pinakamasakit sa lahat na maaari nilang isipin sa iyo na hindi ko rin inakalang maririnig ko sa isang panel interview… ay gagamitin ko lang ang posisyon para makuha ko ang gusto ko at kapag nakuha ko na ay iiwanan ko ang ahensya o organisasyon. Tinanong ako kung ano ang plano ko in five years nang mag-apply ako sa isang ahensya ng gobyerno. Sumagot ako na ang priority ko ay makapagtapos ng aking PhD degree. Mantakin mo ba namang sabihin sa akin na baka gagamitin ko lang ang ahensya at ang posisyon para makapagtapos ng PhD, at pagka-graduate ko ay magre-resign na ako at lilipat sa ibang kumpanya. Ganoon ba talaga mag-isip ang mga nasa gobyerno?

3. Hindi ka iha-hire dahil overqualified ka para sa posisyong inaplayan mo. Nasabihan na rin ako nito nang mag-apply ako sa isang ahensya ng gobyerno. Ikaw, ano ang gagawin mo kapag nalaman mong hindi ikaw ang na-hire dahil overqualified ka?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s