Kaya Niya

Magpahinga ka naman. Matuto ka namang mapagod. Sobra na ang iyong sakripisyo para sa iyong pamilya. Ngumiti ka. Hindi mo naman kailangang sarilinin ang iyong problema. May mga nagmamahal sa iyo. Magsabi ka lang kapag hindi mo na kaya.

Naaalala mo pa ba ang ating huling napag-usapan? Iniisip mo na naman ba ang anak mo na nasa malayo? Huwag mo siyang masyadong isipin. Malaki na siya. Kaya na niya ang kanyang sarili. Kung nalulungkot siya, ikaw ang una niyang iniisip. Ikaw ang tinatawagan niya para may makausap siya. Ikaw ang una niyang iniisip kung siya ay masaya. Inaalay niya lahat sa iyo ang kanyang pagsusumikap, tagumpay at pag-usbong.

Sa tuwing kakain siya, halos hindi niya maisubo ang kanyang kinakain dahil iniisip niya kung kayo rin ba ay kumakain ng kagaya ng kinakain niya. Kung may nakatayong babae sa bus na sinasakyan niya, pinapaupo niya dahil umaasa siyang may gagawa din noon para sa iyo. Hindi man niya masabi sa iyo nang harapan, mahal na mahal ka niya. Ikaw ang inspirasyon niya sa lahat ng bagay. Gusto ka niyang sumaya at guminhawa balang araw.

Ngunit hindi mo na siya nahintay. Nauna ka nang umalis. Naiintindihan naman ng anak mo iyon. Kailangan mong umalis. Hindi naman iyon maiiwasan. Gusto niyang isipin mong kaya na niya ang responsibilidad na naghihintay sa kanya. Huwag mo nang isipin kung sino ang dadamay sa kanya tuwing siya ay nalulungkot. Huwag mo na isipin kung sino ang tatakbo sa kanya sa panahong siya ay nasa kadiliman.

Anak mo siya. Matatag. Kayang lumaban. Higit na malakas ang loob. Higit na may angking talino. Matitiis niya ang anumang uri ng paghihirap. Makakaya niya ang anumang uri ng pasakit dahil alam niyang kinaya mo ang lahat para sa kanya. Dahil alam niyang mahal mo siya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s