Ang Babaeng Pasahero ng Victory Liner 7005

Pauwi na ako sa Maynila. Nasa istasyon ako ng Victory Liner sa Tuguegarao City. Nakapila ang mga tao sa pagbili ng tiket. Kakatapos lang ng Pasko kaya expected nang maraming tao ang nasa terminal, naghihintay sa pagparada ng bus na masasakyan pabalik ng Maynila.

Sobrang haba ng pila. At kahit ako na yata ang pinakamatiyagang nilalang, hindi mo kakayanin ang haba ng pila. Ang Victory Liner naman kasi, ayaw ng advance booking. E di sana, hindi na ako namrublema kung paano makauwi.

Malapit sa pintuan ng nakaparadang bus bilang 7005, may kumpol ng mga tao, isa na ako doon. Nagtanong ako kung pwedeng tumayo. Noong una, ang sabi, hindi raw pwede. Sa pilahan daw kumukuha ng mga tao. Hindi na ako nagpumilit.

Maya-maya pa, biglang sumigaw ang sikyu, pwede raw kahit sino, basta tatayo. Nagtaas agad ako ng kamay. Maano ba naman ang tumayo ng 14 na oras pabalik ng Maynila. Makakaupo naman siguro ako along the way. Baka may bababa ng Dau. Pinayagan ako, umakyat na ako sa bus. Sa likuran ko ay ang dalawang babaeng hesitant pumasok dahil nga in-announce na tatayo ang mga dadagdag na pasahero. Pero maya-maya pa ng kaunti, nakita ko din silang umakyat, umupo don sa unang row ng upuan. Pero hanggang sa lugar lang na kung saan pi-pick-up-in na ang mga nagpareserba ng tiket. Binayaran siguro mula Tuguegarao.

Pagdating namin sa kung saan sasakay ang mga pasaherong may tiket, tumayo na ang mga sandaling nakiupo, iyong dalawang babae at iyong magkasintahan. Pumunta sila sa likuran. Naghahanap ng upuan sa bandang likuran kung nasaan ako.

Sabi nung ating Bidang Babaeng nakasuot ng kulay asul na damit na may strap na mga metal, “Asan ang upuan? Pag wala, ay naku. Nanununtok pa naman ako.” Wow! Nakakatakot si Bidang Babae.

Ang tinutukoy pala na upuan ay ang nakareserbang hilera sa pinakadulo ng bus para matulugan ng nagpapalitang kunduktor at drayber. Naupo na sila sa likuran. Samantalang noong una, hindi kami pinayagan ng kunduktor. Ako nga, pinapaupo ni Kuyang Sundalo, pero umayaw ako, dahil alam kong mas kailangan ng kunduktor-drayber iyon. Pero si Bidang Babae, parang siya ang may-ari ng sasakyan.

Dumating ang oras ng pagtulog ni Kuyang Kunduktor. Kailangan niyang matulog dahil nakatokang siya ang magda-drive mula Dau hanggang sa Maynila. Iyon na, doon na nagsimula ang komosyon sa likod ng bus.

Si Bidang Babae, ayaw umalis. Ang tagal kuhanin ang mga gamit. Ang daming sinasabi. Naasar na si Kuyang Kunduktor. Napagsabihan tuloy siyang “Pwede naman kasing sabihan ng maayos.” Gusto kong sumabat at sabihing, “Bidang Babae, kayo ang matagal umalis sa upuan. Nakailang sabi na si Kuyang Kuduktor, ayaw ninyo tumayo. Ikaw pa itong matapang at masungit, samantalang ginawan na nga kayo ng pabor na paupuin. Dahil sa totoo lamang, bawal talagang maupo diyan sa inupuan ninyo.”

Isa ka rin bang Bidang Babaeng nakasuot ng kulay asul na damit na may strap na metal? Masungit na wala sa lugar. O baka nakasakay ka noon sa Victory Liner 7005, biyaheng Tuguegarao hanggang Caloocan. Kapag may narinig kang nagreklamo sa kunduktor, alam mo na ang sasabihin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s