Dear Ana

Dear Ana,

Kumusta ka na? Nakaupo ka na naman ba sa harap ng iyong bahay? Nakatunganga, nakatingin sa kawalan, naghihintay sa pagdating ng iyong anak? Tahimik ka na naman bang umiiyak?

Ilang beses ka na bang umiyak? Na sa tuwing sisigawan ka ng isa mo pang anak ay iniisip mo na lang na pinapagalitan ka? At ilang beses ka na rin bang tahimik na umiyak dahil sinigawan ka ng isa sa mga apo mo?

Nagiging maarte ka lang ba? O sadyang hindi na kaya ng isip mong sinisigaw-sigawan ka kahit matanda ka na? Sa edad mong pitumpu’t pito, nararapat ka pa bang sigawan dahil pinilit mong hinugasan ang platong kinainan mo?

Ilang taon ka pa kayang magtitiis? Ilang taon ka pa kayang tahimik na iiyak?

+++++++++

Gusto kong murahin ang mga batang naninigaw sa kanilang Lolo at Lola. Gusto ko silang sigawan. Gusto ko silang hampasin ng batuta. Tang-ina ni’yo, tatanda rin kayo. At sana, pagtanda ninyo, hindi ninyo maranasang sigawan ng mga apo ninyo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s