Ayoko Nang Maging Rebound Ulit

Sabi sa Wikipedia, ang term na rebound ay sinimulang gamitin noon pang 1830s ni Mary Russell Mitford. Matagal na palang uso ang pagiging rebound. Marami-rami na rin pala ang naging tagasalo ng mga naramdamang sakit ng mga iniwan ng kanilang karelasyon.

Naranasan mo na bang maging rebound? Naiisip mo bang rebound ka lang pala sa kasalukuyang relasyon mo sa taong tinuturing mong boypren/gelpren? Naisip mo na rin bang minsan ay naging rebound ka? Masakit, ‘di ba?

Sabi ni Sheryl Paul, rebound daw kapag “You find yourself going hot and cold with the new partner, vacillating between wanting to spend time together and wanting to run away as quickly as possible. Your fear of commitment could be an indication that you haven’t grieved and processed your ex sufficiently.” Ginamit ka lang palang parausan ng oras para hindi niya maisip ang kanyang karelasyon dati. At kapag nakahanap na siya ng mas higit sa iyo, iiwanan ka na lang niya agad-agad nang walang acceptable reason.

Kapag naiisip ko ang mga panahong ako pala ay isang rebound lang, gusto kong tumalon mula sa rooftop. Gusto kong wakasan ang aking buhay. Ang tanga ko lang. I gave up everything for nothing. I gave up everything just to realise I was just a rebound. Panakip-butas. Hindi ko man lang nalaman agad. I was blinded by love. Naiinis ako. Gusto kong magpakamatay. Gusto kong pumatay sa inis.

Buti na lang may mga kaibigan ako sa Alabang Food Club. Sinuportahan ako sa mga panahong ako ay nakalubog sa depresyon. Inuubos namin ang oras sa panonood ng Masterchef, cooking shows, pagbabasa ng cooking books at siyempre, pagluluto. Mahirap magluto ng masarap kapag punung-puno ka ng hinanakit sa buhay. Ang mga nagagawa ko, kung hindi sunog, madalas hilaw pa. O kaya kulang sa alat. Kulang sa asim. Mapait. Hindi maintindihan ang lasa.

Nakilala ko si Patricia sa AFC. Nagkasama na kaming gumala sa Angeles City para kumain ng sisig at cheesebread. Pinasyalan namin ang Pamintuan Mansion, na ngayon ay museo ng Social History. Wala pang masyadong laman ang museo pero nakakabilib ang interior design ng mansyon. Hanep sa pagiging elegante. Pinuntahan din namin ang Friendship Avenue. Pinasyalan ang red light district ng syudad. Sinubukan naming kumain sa isang fastfood establishment ng madaling-araw. Hanep! Mas marami pa ang pokpok kaysa sa fried chicken!

Next week, pupunta kami ng Coron para subukan ang mga pagkain doon. Sana naman, si Patricia na talaga. Sana hindi lang niya ako rebound. Sana hindi lang niya ako ginagamit na panakip-butas at pampalipas ng oras para lang makalimutan niya ang dati niyang boypren na nang-iwan sa kanya.

Dahil ayokong maging rebound ulit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s