Ugali at Dyip

Dyip ang madalas kong nasasakyan kapag gusto kong makarating sa isang lugar. Dahil malapit lang naman ako sa kaharian ng Alabang, nagdyi-dyip na lang ako, sampung piso lang. Kaysa naman maghintay ako ng taksi at magbayad ng sandaang piso. Malamig naman ang panahon dahil tag-ulan na. Kaya kumportable ang pagsakay sa dyip.

May sumakay na mga tinedyer. Walo sila. E di siyempre, tuwang-tuwa ang mamang drayber. Loko pala ang mga bata. Hindi nag-abot ng bayad ang dalawa sa kanila daw, ayon kay mamang drayber. Hanep din naman sa multitasking si Mamang Drayber. Alam kung ilan ang hindi nagbayad sa kanila. Nagsimulang magturuan ang mga bata. Nakakainis pa iyong nasa harap ko at ayaw umayos ng upo. Nakaupong parang reyna. Okupado ang dalawang slots. Aba! Hanep! Tapos iyong isa, nagtapon ng basura sa lansangan. Walang pakundangan. Gusto ko sanang pagsabihan, kaso baka kuyugin nila ako.

Nakakalungkot lang na hindi pa tayo disiplanado. Hindi pa tayo nararapat tawaging First World lalo na sa pag-uugali. Kung sino pa ang mga mahilig magreklamo, sila pa ang mga walang disiplina.

Nagtatapon ng basura sa daan. Hindi marunong umipod sa upuan. Hindi marunong sumunod sa batas-trapiko. Hindi marunong ng tamang pagsakay sa escalator. Walang konsepto ng PWD seats sa bus o sa tren. Hindi ko naman sinasabing ako na ang pinakamabait sa lahat. Pero marunong naman akong magtapon ng basura sa tamang basurahan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s