Makasarili Ako

Ako si Ben, twenty-five years old. Nagtatrabaho ako bilang isang call center agent sa Makati. Panggabi. Walang thrill ang trabaho ko. Papasok ka, tatanggap ng calls, makikinig sa reklamo o kaya ay makikipagkuwentuhan sa kustomer o kaya naman ay susubukang tumulong kung paano mag-restart ng computer.

Six months na akong single. Nagbreak na kami ng aking kasintahan sa kadahilanang di ko maintindihan kung meron man. Bwaka ng pusoy naman talaga. Ano nga ba ang sabi niya? Hindi naman ikaw ang may kasalanan. Ako! Gusto kong hanapin ang aking sarili. Dyahe naman talaga ang kanyang dahilan. Sino ba naman ang hindi made-depress sa ganoong dahilan? Hindi pa pala niya nahahanap ang kanyang sarili? Alam mo ba iyong pakiramdam ng nawalan ng minamahal? Alam mo ba iyong pinagdadaanan ko? Ako na nga itong nagmahal nang todo-todo, ako pa pala ang lalabas na olats. Sabi ng friends ko, mag-move-on na daw ako. Alam ba nila ang kanilang sinasabi? Naranasan na kaya nilang maiwanan? Parang ang dali-dali para sa kanila. Pero bakit ako nahihirapan? Bakit napakahirap na kalimutan siya?

Sabagay, anong karapatan kong magreklamo at ma-depress? Naging kami noong may girlfriend pa ako. Siya ang spare tire. Tago ang aming relasyon. Baka malaman ng aking gf. Hindi daw niya maintindihan kung bakit niya hinayaan ang kanyang sarili na mahalin ako at maging kami kahit na may karelasyon ako. Ako kaya, bakit ko kaya hiniwalayan ang aking girlfriend para sa kanya? Maisip niya kayang higit na mahal ko siya? Hindi na siguro iyon makakarating sa isipan niya. Dahil wala na kami.

Wala na kami. Hindi na niya ako babalikan. Na kahit ano’ng gawin ko, wala na siyang pakialam sa akin. Wala na siyang pakialam kahit ilang beses ko na siyang kausapin at magbakasakaling maaayos pa namin ang aming relasyon. Mag-focus na lang daw muna kami sa aming mga ginagawa. Wala na talaga.

So ano na lang ang gagawin ko sa aking sarili? Hindi ako makatulog nang maayos. Hindi makakain nang ayon sa nararapat. Hindi ako maka-socialise dahil nasanay na akong siya ang kasama ko. Ano na lang ang gagawin ko ngayong wala na siya… siya, na literally at figuratively, ay ang buhay ko? Kung wala siya, wala na rin akong buhay.

Oo, makasarili ako. Dahil hindi ko man lang naiisip ang ibang taong umaasa sa akin. Makasarili ako dahil gusto ko siyang piliting bumalik at maging kami ulit. Gusto ko, kami pa rin. Oo, makasarili ako. Dahil gusto kong maramdaman niya ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya. Makasarili ako dahil mas gugustuhin ko pang mawalan ng buhay ngayong wala na kami. Oo, makasarili ako sa pag-iisip na mag-suicide.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s