Ang Kuwento ni Raygo (Part 3)

“YES!!” Natulig yata ang buong bahay nina Raygo. Pati ang mga kapitbahay nila ay nagulantang. Ngayon lang ulit sila nakarinig ng masayang tinig sa bahay nila.

Dali-dali siyang nilapitan ng kanyang Tatay at tinanong siya kung ano ang laman ng sulat na dumating. Napangiti siya at sinabing, “Tay, makakapag-aral na po ako sa UP. Pasado po ako.” Ipinakita niya ang sulat. Pasado siya sa College Admission Test ng kinikilalang pamantasan.

Ngunit kung gaano niya kasayang tinanggap ang sulat ay siya namang ikinalungkot ng kanyang ama. “Anak, malaking problema iyan kung sakali. Paano ang allowance mo?”

“Tay, marami naman sigurong scholarship grants doon. Mag-a-apply po ako.” May ngiti sa kanyang mga labi, punung-puno ng pag-asa.

“Anak, ano kaya kung dito ka na lang sa atin mag-aral?”

Medyo nakaramdam siya ng inis sa kanyang Tatay. “Bakit pa po ninyo ako pinilit mag-take ng exam kung di rin lang naman pala kayo papayag na doon ako mag-aral. Sabi pa nga po ninyo, ako na lang ang pag-asa ninyong makaahon sa kahirapan.”

“Noon iyon. Noong hindi pa tayo ganoon kahirap, at hindi pa gaanong naghihirap ang ating bansa… pati na rin ang iyong Nanay..”

“Kaya nga po, higit na kailangan pong mag-aral ako para hindi tayo lalong malublob sa kahirapan.”

Walang nagawa ang kanyang Tatay. Hindi siya napigil para mag-aral sa UP. Nakausap na rin nila ang kanyang tiyuhing nasa Cebu na tutulong sa kanya. Hindi matapus-tapos ang paalaman nang ihatid siya sa pier sa Calapan.

“Tay, wag ninyong pababayaan si Nanay.” Humalik siya sa pisngi ng kanyang Nanay, yumakap din siya sa kanyang Tatay.

“Huwag mo ring gugutumin ang iyong sarili. Puntahan o tawagan mo lang ang iyong Tiyo Dan kung may problema ka. Nandoon naman palagi ang kanyang asawa.”

NAGHAHANAP ako noong isang araw ng aklat sa laybrari nang may tumawag sa akin sa mahinang tinig. “Jake…” Lumingon ako. Si Raygo pala. Noon lang ulit kami nagkita. Lumipat na siya ng dormitoryo. Magulo ang buhok. “Hindi na kasi ako nag-a-ROTC.” Maitim na naman ang paligid ng kanyang mga mata. Student assistant na rin pala siya sa laybrari, kumikita ng 25-piso kada oras.

“Bumalik ka na sa dorm. Kami na lang ni Jemer ang nandoon.” Totoo ang alok ko, walang halong kaplastikan. Dahil gusto ko ulit makarinig ng mga kuwento ni Raygo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s