Si Katrina at si Summer

Alas-siyete ng umaga. Kinakabahan ako. Pero excited din, syempre. Hindi ko lang talaga alam ang pakiramdam ng nakatayo sa harapan ng klase. Unang araw ng klase ko sa Botany. Unang semestre ko ng pagtuturo. Maaga pa lamang, gumising na ako para maghanda ng mga dadalhin ko sa klase.

Pagdating ko sa harapan ng gusali, nagsimulang mangatog ang aking mga tuhod. Nagtatakbuhan na ang mga daga sa dibdib ko. Kinakabahan na talaga ako. Naisip ko, baka ayaw sa akin ng mga magiging istudyante ko. Sobrang nanghihina ako sa kaba! Pumasok ako sa aming opisina para uminom ng tubig. Hindi ko na inintindi kung iyon ay malamig. Hindi ko talaga mapigilang kabahan. Namamawis na ang aking palad. Mahiyain din kasi ako kaya hindi ko talaga mapigilan ang aking sariling kabahan.

Pinilit kong lakasan ang aking loob. Sinimulan kong lakarin ang pasilyo. Nanginginig ang aking mga kamay. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Bago ako pumasok sa kuwarto, sinabihan ko ang aking sarili, bahala na.

Para hindi mahalatang first time ko, nagtawag ako ng kanilang mga pangalan. Natuwa ako kasi may maganda akong istudyante. Nangungusap ang kanyang mga mata. Ang ganda pati niyang ngumiti. Siya si Katrina.

Okey naman ang itinakbo ng klase. Nagkakatawanan na kami agad. Pero ginugulo ni Katrina ang isip ko. Hindi ko siya maalis sa isip ko. Para siyang diyosa na nakaupo sa harapan ko at nakikinig sa aking mga kuwento.

Iyon lang ang klase ko sa araw na iyon, kaya umuwi na rin ako agad pagkatapos.

Mayroon pa akong isang klase sa Botany. Lunes naman iyon. Masasabi kong mas masaya ang seksyon na ito. Gaya ni Katrina, nakakatawag din ng pansin itong si Summer. Nang magpakanta ako sa kanila, may pumayag hindi gaya ng kabilang seksyon na walang kumanta.

Maaga ko ring tinapos ang klase. Gaya sa isang klase ko sa Botany, sinabi ko lang ang mga class policy ko, tungkol sa grade na maaari nilang makuha at mga puwede nilang pagkuhanan gaya ng kwis, practical exam, at report ng mga gagawing experiment sa klase. Papalabas na ako nang marinig ko sa isang istudyante, “akala namin, istudyante kayo kanina, Sir.” Napangiti ako sa kanya. Marami pa siguro ang magkakamaling istudyante pa ako. Paano ba naman, sa edad kong beinte-uno ay isa na akong guro sa kolehiyo.

Masaya ang maging guro. Marami kang nakikilalang istudyante, mula sa iba’t ibang lugar. Noon ko napagtanto na kaya siguro tumatagal ang karamihan sa pagtuturo ay mayroon silang naiibang pakiramdam na nakukuha sa trabahong ito. Alam kong mahirap ang mga unang araw ko dito, pero pipilitin kong malampasan ang mga darating na pagsubok. At sana matagpuan ko rin ang kanilang nahanap para magtagal rin ako sa trabahong ito.

Bawa’t umagang tutunog ang aking alarm clock, napapangiti ako sapagkat alam kong marami na namang mangyayari sa aking buhay. Pinakamasaya pag alam kong Biyernes na. Makikita ko na naman si Katrina. Lagi ko ring inaabangan ang pagsapit ng Lunes… dahil kay Summer. Normal lang naman siguro ang nararamdaman ko. Humahanga ako sa kanilang dalawa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s