Linggatong

(Written on 30 January 2002.)

Walong oras ang biyahe papunta sa amin mula sa Maynila. Dahil sa kadalangan ng mga nagsisiuwian, mas maaga pa kaysa sa inasahan ko ang oras ng pagdating ko sa amin. Tila walang katapusan ang dilim sa labas ng bintana dahil walang kailaw-ilaw sa gilid ng kalsada. Buti na lang at mayroon akong dalang flashlight.

Pangalawang araw ko na sa amin nang dumating ang baliw sa bakuran ng aming kapitbahay. Bigla na lang daw nagpunta ang baliw, kaya hindi nila mapaalis. Pinuntahan namin iyon.

“Kilala ko siya. Siya si Badong… Badong Atasue,” bulalas ng baliw sabay turo sa batang may ganoong pangalan. Nang dumaan naman ang taga-Bikol na asawa ng aking tiyuhin, sinabi nitong, “hindi iyan Atasue.” Tinanong ng aking nanay kung bakit siya napadpad sa amin. Ang isinagot ay “Bumibili kasi ako ng lupa sa may aplaya.” Magpapatayo ako ng bahay namin doon.” Nagtawanan kaming mga nandoon. Kahit hindi dapat ay nagawa kong pagtawanan ang baliw. Mayroon namang nagtanong kung nasaan ang kanyang mga magulang, at sumagot ito ng, “Wala na akong nanay. Ang tatay ko nama’y iniwan ko na sa dati naming kapitbahay. Paano ba naman kasi ay gustong magpasagasa kanina. Nawawalan na siguro ng bait.” Tawanan na naman sila, pati na rin ako.

Nang nasa bahay na kami ay tawanan pa rin ang kapatid kong babae at lalaki. Nang maisipang itanong ng aking nanay, “Ba’t niya kilala si Badong? Hindi naman yata baliw.” Naisip ko rin kung bakit nagkaganoon.

Bandang hapon na nang dumaan ulit ang baliw sa tapat ng bahay namin. Ganoon pa rin ang damit. Naging tanawin na sa amin ang baliw na iyon bawa’t araw, sa umaga at hapon. Limang araw na pumarada sa amin ang baliw.

Ikalabindalawang araw ng bakasyon ko nang magtayo ang isang batalyon ng mga sundalo ng kampo sa isang burol malapit sa amin. Natakot kami. Hindi namin alam kung bakit magtatayo ng kampo, hindi naman magulo sa lugar namin.

Lumipas pa ang mga araw. Nakasanayan na namin ang pagkakaroon ng sundalo malapit sa amin. Sanay na kaming makakita ng mga nagrorondang sundalo. Ang dati naming ginagawang paliligo sa dagat tuwing magdadapithapon na ay nagagawa na ulit namin. Nawala ang aming takot sa mga nababalitang hired killer sa lugar namin. Lumakas din ang aking loob na maligo nang hubad, tutal, madilim naman at siguradong walang makakapansin sa aking malaking tiyan.

Isang gabi, hindi ako makatulog. Binabanas ako kaya nagpasya akong manood na lang muna. Parang may gustong magparamdam sa akin.

Nagulantang ako kinabukasan no’n dahil sa putukang nangyayari malapit sa amin. Nagtakbuhan kami sa silong ng bahay namin. Buti nga at naisarado namin agad ang mga bintana, pintuan, at ang tarangkahan. Hinintay naming humupa ang putukan bago kami lumabas.

Nagpunta agad ang aking nanay sa aming kapitbahay para makibalita sa kung ano ang tunay na nangyari. Naiwan naman kaming nanginginig sa takot. Pagbalik nito ay dala-dala na ang gabundok na balita.

Nagkaroon daw ng raid sa isa sa aming kapitbahay. Nagbebenta pala sila ng shabu. Natunugan daw kasi sila. Noon namin naalala ang baliw… ang baliw na padaan-daan noon. Halos sabay-sabay kaming napa-“oo nga!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s