Kapag ikinasal na ang iyong minamahal…

…hindi na ba siya puwedeng mahalin? Kahit pasikreto lang?

Nakita ko ulit siya pagkatapos nang di-mabilang na taon. Hindi naman siya kasingganda ni Anne Curtis o kasingseksi ni Angel Locsin. May asawa at anak na nga siya. Pero hindi ko maintindihan kung bakit pumintig ulit ang aking puso. May kung ano’ng nabuhay sa kaibuturan ng aking puso.

“Julian! Julian!” Napalingon ako sa magkasunod na tawag sa aking pangalan. Nang makalapit iyong tumatawag sa akin, nangumusta agad. Si Mark pala. “Sabi ni Allan, nagkita daw kayo ni Sophie kahapon. Kumusta naman?”

“Okey naman. Bakit?”

“Naitanong ko lang.”

Nakakaasar naman itong kaibigan ko. Sinusubukan siguro kung may maaaninag siyang kalungkutan. Pero sadya yatang magaling akong magtago ng nararamdaman. Pinagtibay na ako ng panahon. Matagal ko na ring alam na may-asawa siya. Gayunpaman, hindi ko maintindihan sa aking sarili kung bakit gusto ko siyang masarili. Alam ko namang mahal ko pa rin siya. Nakakaasar naman, kakapalit lang ng taon pero heto at nag-e-emo na naman ako.

Thanks to YOU.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s