Bakit Ako Masaya Kahapon?

Naka-assign akong magdasal para sa Flag Ceremony. At dahil tunay namang ako ay extremely introverted (tama bang ito ang technical term ng superduper shy?), ako ay nakiusap sa aking isang officemate para siya ang magdasal. Nakasuot ako ng aking paboritong damit na binili ko pa noong 2004, ibig sabihin ay pitong taon ko na palang isinusuot.

Pumila ako sa linya namin. Pangatlo ako sa hanay. At maraming nakatayo sa likuran ko na empleyado ng iba’t ibang ahensya. Napakabibo ko pang tumayo. Pantay ang aking braso sa aking balikat habang nanunumpa sa Watawat ng Pilipinas.

Noong tanghali ay pumunta pa ako sa main cafeteria. Nagpalakad-lakad sa loob ng compound ng ahensyang pinagtatrabahuan ko.

Pagkauwi ko sa bahay ay niyaya akong makipag-inuman. At dahil ako ay hilung-hilo na, hindi na ako nagbihis. Humiga na lang at natulog.

Ngunit bakit nga ba ako tuwang-tuwa kahapon? Lumipas ang isang araw na isang milyon na yata ang nakakita sa akin…

…. BALIGTAD ang suot kong damit. Namputsa!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s