Batang Vigan

When I was younger, (sabi ko nga dahil matanda na ako) madami akong bagay na nagagawa na pakiramdam ko ay masarap sa pakiramdam na gawin ulit. Take note, hindi ko uulitin iyong mga panahong wala na akong inatupag kundi matulog, maglaro, kumain at mamasyal. Mas gusto ko naman iyong nakapag-aral at may trabaho na ako at marami akong nagagawang ibang bagay gaya ng mamasyal sa malalayong lugar, isama na ang mga bundok at isla.

Tuwing Biyernes dati at kapag nasa Vigan kami, naglalaro ako sa Shell gasoline station. Kasama ng mga pinsan ko, naglalaro kami ng habulan, o kaya ay nagba-bike (iyong may sidecar). Kahit gabi na noon ay naglalaro kami ng taguan. Dahil drayber ang aking Tatay ay nakakapasok ako sa minamaneho niyang mini-bus, isinasarado ko ang pintuan para hindi ako mahanap. Kapag may mga kasama ako ay doon lang kami sa loob ng bus, nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Dito ako namulat sa kagandahan ng buhay. Huwag mo na akong pilitin pang i-elaborate kung ano ang ibig kong sabihin sa “kagandahan ng buhay.”

Dati ay may Shotokan pa malapit sa amin. Doon nagpa-practice ang mga gustong maging bihasa sa martial arts. Kapag wala pang session, nagpapatugtog ang may-ari. Hala kaming mga bata naman ay handang sumayaw at umindak na parang kitikiti sa liksi at gilas.

Pinipilit ko rin lagi ang Nanay ko na pumasok sa Chiang Kai-shek School. Lagi ko kasing naiisip dati na kapag nag-aral ako doon ay gagaling akong mag-Fokkien. Kaso, hindi ako ipinasok doon.

Kapag nandoon si Aling Estrelle, kumakain ako ng arroz caldo (ang tawag namin ay roskaldo) na hinaluan ng pipian o pansit bihon. Kung minsan naman ay miki na may nakalutang na dahon ng kutsay. Pero ang pinakapaborito ko ay sinanglao. Pati iyong Royal Bibingka sa may Sikatuna Village ay masarap. Nasaan na kaya iyong mga Intsik na nagbebenta ng mga murang gamit dati? Gawain din namin dati ang mamitas ng bulaklak ng suntan, sipsipin ang nektar. Ang mga kalaro naming babae ay gagawa ng mga palamuti sa katawan gamit ang napitas na mga bulaklak.

Kung minsan naman ay pumupunta kami sa Plaza Salcedo at naglalaro sa padulasan, swing at see-saw. Oo, dito ako unang nahulog sa see-saw, limang taong gulang ako noon. Hindi ako umiyak dahil parang nabingi ako sa pagkakahulog ko na nakatagilid.

Nanonood ako dati sa black-and-white na TV. Ang mga paborito kong programa ay $1 Million Chance Of A Lifetime, Baywatch, Mighty Morphin Power Rangers, Superboy at ang napakatinding McGyver. Nanonood din naman ako ng Game Na Game Na!, gameshow dati sa ABS-CBN. At napanood ko ang aking tiyahin nang sila ay sumali at manalo. Pati nga pala iyong Mystic Knights of Tirna-Nog, Young Hercules, Xena, Oka Tokat! Hindi ko maisip dati kung paano nagugustuhan ng mga tao ang pelikulang drama. Mas hilig ko noon ang comedy, sci-fi, fantasy at aksyon. Paborito ko noon ang Pinagbiyak Na Bunga nina Chiquito at Andrew E, Dino, Abangan Ang Susunod Na Kabanata ni Romnick Sarmenta, Ali In Wonderland ni Joey de Leon at mga pelikula ni Jeric Raval. Pero hindi ko na matandaan kung ano ang unang pelikulang pinanood namin sa sinehan. Tatlo lang dati ang sinehan sa Vigan: ang TAJ Cinema, Consuelo Cinema at Lyric Cinema. Iyong Lyric ay buhay pa, iyong Consuelo ay ginawang Novo Jeans, at wala na akong balita sa TAJ.

Wala akong hilig sa musika dati. Nasa elementarya na ako noong ako ay talagang nagkahilig sa musika. Ang una kong nagustuhang istasyon ay iyong dating Kool 106.7 FM. Ang unang kantang Tagalog na naging paborito ko ay Kiss-A-Me ng Agaw Agimat. Naging paborito ko rin ang Memories Of Our Dreams ng The Advent Call.

Dati ay bata pa ako. Yes, when I was younger, everything was endless. And now, everything has changed. All children grow, except one. And I am no Peter Pan.

Advertisements

One thought on “Batang Vigan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s