Ten Seconds Lang, Please…

Kaytagal din akong naghintay sa teks mo. Marami-rami ring pagsikat at paglubog ng araw ang nabilang ko bago ako nakatanggap ulit ng teks mo. Mailap ang tadhana para sa atin.

Naghahanda na akong lumayo nang tumunog ang aking selepono. Nakita ko ang pangalan mo. Hindi naman totoong binura ko ang numero mo. Iyon na lang kaya ang kaisa-isang paraan para makausap at makita ka. Kaya hindi ko binubura ang numero mo.

Kumusta na?

Iyon lamang ang teks mo pero iyon na yata ang pinakamahabang teks na binasa ko. Ilang beses ko ring inulit. Totoo ba ito? Hindi ako makapaniwala. Kaya nag-reply ako…

Yey. Mabuti naman ako. Ikaw? Okey ka lang ba? Ang tagal mo ring di-nagparamdam. Masaya ako at nag-text ka.

Naghintay ulit ako ng teks mo. Nabuhayan ako ng loob. Napaluto nga ako bigla ng paborito mong almusal.

Palubog na ang araw nang maisip kong baka na-missent ka lang. O baka naman nahabaan ka sa reply ko. Tiningnan ko ang sent message  na folder ko. Binasa ko ulit ang aking teks. Napaisip ako, may mali kaya sa teks ko? Pero kahit nalungkot ako bigla, hindi ko inisip na pinaasa mo lang ako sa teks mo. Kung missent man ang teks mo, ibig sabihin noon ay naka-save pa rin ang numero ko sa iyo. Napatingala ako…

Kahit ten seconds lang na ipa-ring mo ang aking phone. Kahit ten seconds lang, please…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s