Akala Ko Pa Mandin

Dahil lamang sa Kris Kringle ay nasira ang araw ko at nagalit.

Matagal nang na-announce ang schedule ng bigayan at kuhanin ng regalo. Tuwing Biyernes lamang ang Kris Kringle. Iyong iba ay wala pang naibigay. Wala daw oras mamili. Antagal na kayang nasabi, kaya hindi puwedeng sabihing walang oras para makapag-isip at makabili ng para sa exchange gift. Kung walang pambili, dapat naisip na niya at nagkusa na lamang sa pagsasabing hindi siya sasali dahil kukulangin siya sa pera. Kawawa naman kaya ang nabunot niyang walang natatanggap.

Para sa mga hindi pa rin nakapagbigay sa pangalawang araw ng Kris Kringle ay napagpasyahan kong huwag silang pakuhanin ng regalo. Para fair. Hindi nga nag-effort para bumili ng regalo tapos magpapakasaya lamang sa pagkuha ng regalo? Di ba, hindi naman makatarungan.

Ang nakakaasar pa, kung sino pa ang mga hindi nakapagbigay ng regalo ay sila pa ang may ganang magreklamo. Kaygaling magreklamo ay sila naman kaya ang hindi nakapagbigay ng pang-exchange gift.

Hindi man lang nila naiisip na ang hirap kayang mag-facilitate. Ang hirap kayang mag-please. Dahil gusto kong mapagbigyan lahat ang kahilingan nila, sinusubukan kong gawin lahat ang gusto nilang mangyari. Kahit magparoo’t parito ako sa pagkuha at pagbigay ng regalo nila ay okey lang. Tapos kung makareklamo sila ay akala mo sa kanila ang mundo.

Kung sino pa ang mga inaakala mong may pinag-aralan at propesyonal ay sila pang mahirap sumunod sa napakadaling mga regulasyon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s