Gusto Kong Umahon Sa Bundok

Tatlong linggo na pala ang lumilipas. Tatlong linggo na pala akong hindi umaahon sa bundok.

Gusto kong magbuhat ulit ng mabigat. Gusto kong maranasan ulit iyong hirap ng pag-ahon dala ang bag ko. Gusto kong makita ulit ang pamumula ng aking balikat.

Gusto kong makalanghap ulit ng sariwang hangin. Gusto kong madampian ang aking pisngi ng hanging naglalagalag sa ilalim ng mga puno. Gusto kong mangaligkig kahit kaunti ang aking katawan pagsapit ng gabi. Iyong tipong hindi ako makagalaw at hindi alam ang gagawin. Alam ko namang maaasahan ang kasama ko sa tent, handa akong yakapin sa oras na ako ay atakehin ng hypothermia. Sa bundok ko lang nararanasan iyon.

Gusto kong makakita ulit ng malinaw na tubig. Gusto kong maramdaman ang lamig ng tubig na umaagos sa ilog o sa talon (falls).

Gusto kong makakita ulit ng sunrise o sunset. Oo, nakakakita ako ng pagtaas at paglubog ng araw mula sa kahit ano’ng lugar pero may kakaiba kang mararamdaman kapag ito ay nakikita mo mula sa bundok.

Gusto kong mag-picture ulit ng bundok, ng mga puno, ng mga kakaibang bulaklak, at ng mga kapwa kong umaakyat sa bundok. Gusto ko ulit magkaroon ng bagong profile picture sa aking Facebook account. Gusto kong ipagyabang ang mga larawang kuha ko sa aking mga kaibigang hindi umaakyat ng bundok.

At higit sa lahat, gusto kong umakyat ulit sa bundok para makapag-isip ng tama para sa aking field study. Tara na!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s