Eksena Sa Eatery

Sabado, nasa Los Baños ako. Dahil hindi pa ako nag-aalmusal, pumunta ako sa isang kainan sa FO Santos Avenue. Nadatnan kong kumakain ang isang babae habang siya ay nakaharap sa malaking salaming nakadikit sa dingding ng kainan. Sa isang bahagi na kung saan ay nandoon ang telebisyon, may tatlong lalaking patapos nang kumain. Nag-order ako ng dinuguan, estrelyadong itlog at isa’t kalahating kanin. Umupo at nagsimulang lantakan ang pagkain.

Natapos ang tatlong lalaki habang may tumutugtog na musika, malamang tapos na ang kanilang pinapanood sa TV. Habang nasa harap sila ng counter at nagbabayad ng kinain, nag-comment ang isang lalaki, “Sila ang nagpasabog ng kabaduyan sa Pilipinas.” Ang tinutukoy pala niya ay ang Boys Over Flowers na pinanood nila.

“Di ba nauna ang F4 dito sa atin?”

“Ke F4 o Koreano, pare-pareho silang baduy.” Wala akong pakialam kung ano ang pinag-uusapan nila. Abala ako sa pagkain.

Nang may marinig akong boses ng babae. “Sobra naman kayo, kung baduy man sila, ‘di bale nang baduy, ‘di naman sila gusgusin gaya ninyo. ‘Di naman sila palamunin. Kung baduy man ang tawag doon, ‘di bale nang maging baduy, kumikita naman sila dahil doon.” Napatingin ako. Chinita ang babae. Siguro fan siya. Natameme ang mga lalaki. Umalis na lang sila nang walang imik.

Iyong lalaking nagsimula ng usapang baduy ay kulay olandes ang buhok, naka-shorts ng checkered na brown, nakadamit ng luntiang t-shirt at naka-Chuck Taylor na lila. Iyong isang kasama ay nakadamit ng Trace College. At iyong isang kasama ay nakasuot ng graphic tee na nabibili sa department store ng isang malaking mall sa bansa at may nakasulat na I’m Hot. At sinabi iyon ng babaeng fan ng Boys Over Flowers sa kanyang kasama na nakasuot ng t-shirt na may naka-print na classcard ng UP.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s