Ako Si Pepeng Houseband

Oo, kapareho ko lang ng palayaw ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. At oo, masagwang pakinggan ang aking pangalan para sa ibang tao. Hindi ko alam kung bakit naging Pepe ang palayaw ko. Napakalayo sa aking tunay na pangalang Francisco. Pero ang artikulong ito ay hindi tungkol sa pangalan ko lang. Tungkol ito sa akin. Sino nga ba ako?

Una sa lahat, mahilig ako sa pagkain. Gustung-gusto nga ng asawa ko ang aking mga niluluto. Ang paborito ko sa lahat ay kare-kare. Pero sa pagluluto, pinakapaborito kong lutuin ang sunny side-up o ‘yung estrellado na itlog. Noong bata ako, hindi ko alam kung bakit estrellado ang tawag. Sa ngayon, hindi pa rin ako tiyak sa alam kong dahilan ng pagiging estrellado nito. Ang alam ko kasi ay hango ito sa salitang Espanyol na estrella na ang ibig sabihin ay bituin. Marahil tama dahil iyong dilaw na bahagi ng itlog ay ipinapagitnang parang bituin. Bakit ko siya paboritong lutuin? Natutuwa ako sa tuwing lumalaki ang kulay puting bahagi ng itlog, tapos magmamadali akong iporma ito sa paligid ng yolk.

Kasama ng pagkain ay ang musika. Gustung-gusto kong nakikinig sa aking mp3 player habang nagluluto. Ginaganahan ako kapag nakakarinig ng musika. Sinasabayan ko pa nga ng sayaw habang naghahanda ng mga kakailanganin sa pagluluto.

Pagkatapos kong makapagluto ay dumidiretso ako sa aming hardin para magdilig. Pinakapaborito ng asawa ko ang mga orkidya at anthurium. Madali lang namang mag-alaga. Sabi nga nila, kailangang kausapin ang mga halaman para mamulaklak daw nang mas madalas.

Kapag araw ng pasukan, ginigising, pinapakain at pinapaliguan ko ang aming anak. Ako rin ang naghahatid sa eskuwelahan kay Popoy, ang aming munting anghel na kung tumawa ay binubuhay ang lahat ng makarinig. Ansarap pakinggan ang tawa ng aking panganay. Sabay pa kaming kumakanta habang inihahatid ko siya sakay ng bisikleta.

Ako ang naiiwan sa bahay kapag pumasok na rin sa trabaho ang aking asawa. Home-based ang aking trabaho. Nagtuturo ng English sa mga Hapon at gumagawa ng assignment ng mga tamad na istudyanteng Briton at Kano.

Ako ang dakilang houseband!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s