Kung Ayaw Mo, 'Wag Mo

Miss naman talaga kita. Nagteks pa ako sa iyo na nami-miss na kita pero hindi ka nag-reply. Iyon pala ay dahil mayroon ka na palang mga bagong kasama sa iyong paggagala. Nakakalungkot naman at ayaw mo nang makipagkaibigan sa akin. Alam mo namang mas gusto kitang kasama, na kahit ilang beses tayong mag-zipline sa Bukidnon o mag-white-water-rafting sa Cagayan de Oro ay hindi ako nagsasawa. Kahit ako ay taga-Taal, Batangas ay sumama pa rin ako noong inaya mo akong mamasyal doon.

Ewan ko ba kung bakit nami-miss kita. Kelan lang naman tayo nagkakilala, pero sapat na bang dahilan iyon para tayo ay magkalimutan? Nakakaasar lang naman talaga at kinakalimutan mo na ako. Sa aking pagkaasar, binura ko ang mobile number mo sa aking celfone. Para hindi na ako naghihintay sa teks mo. Para hindi na ako umaasang naaalala mo pa ako. Pipilitin kong kalimutan kita mula ngayon. Letse naman kasing pakiramdam ito. Kung bakit pa kita kasi nami-miss. Nakakaasar naman talaga.

Pero kung ayaw mo talaga, e di huwag.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s