Eksena Sa Laundry Shop

Nagmamadali akong umuwi dahil kukuhanin ko pa ang aking mga pinalabhan.

“Ate, okey na ba ‘yung kay Pepe?” agad akong nagtanong sa babaeng naglalagay ng mga maruming damit sa washing machine para malabhan.

Sumagot si Ate, “Parang wala pa akong inaayos na may ganoong pangalan.” Napaisip ako, madali lang sigurong matandaan dahil hindi na maraming tao ang may pangalang Pepe.

“Noong Huwebes last week ko pa po ibinigay.”

“Wala pa talaga.”

“O siya, Ate, i-pull-out ko na lang.”

Tinanong ako ni Ate, “Hindi ba pwedeng kahit mamaya na lang?”

Sumagot ako, “Sabi ni’yo po, hindi pwede, kaya kukuhanin ko na.

Napalatak ng tawa si Ate, “Hindi. Ang ibig kong sabihin ay kung pwede bang mamaya ka na lang bumalik.”

“Hindi na po Ate. Magha-hire na lang po ako ng maglalaba at papupuntahin ko na lang para maglaba.”

“Kailangang-kailangan na po ba ninyo?” Nakatingin ng diretso sa akin si Ate.

“Aba naman Ate, Huwebes ko pa yan ibinigay. Ang nakalagay sa aking resibo, ngayong araw na ito ko kukuhanin.” Habang ako ay nagsasalita, may dumating na isang kustomer. Kinukuha ang pinalabhan. Nag-excuse si Ate. Tiningnan ang resibo ng bagong dating at hinanap ang pinalabhan ng kustomer. Kung bakit naman kasi malikot ang aking mata. Nakita kong mas nauna pa pala ako ng dalawang araw na nagbigay. Nagpanting agad ang aking tainga, siguro namula nang todo.

“Tingnan mo Ate. Siya, Sabado lang nagbigay, tapos na ninyo. Ako hindi pa. Porke ba mas marami siyang pinalabhan at mas marami kayong kikitain?” Hindi umiimik si Ate. May dumating na babae.

Nagtanong ang babae. “Ano’ng nangyayari dito?” Nagpaliwanag si Ateng kausap ko. Humingi ng pasensya si Ateng bagong dating na siyang may-ari pala.

“Sabihin po ninyo sa mga staff ninyo, ayusin ang pagtanggap. Baka mamaya, may magpasarado ng business ninyo.. At hindi ako iyon.” Umalis ako na naaasar dahil maglalaba pa ako nang maraming damit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s