Excluded Ako Sa Mga Biyahe Nila

“Ayaw na po nila ako isama,” para akong batang nagsusumbong sa Lola ko.

Napatingin sa akin si Lola, nagtataka, “Bakit naman?”

“Kasi pupunta sila sa Subic, hindi ako inaya.” Nakatingin lang ako sa pintuang nasasabitan ng wind chime at pinapakinggan ang tunog nito.

“Huwag ka nang malungkot. Pwede mo naman puntahan yang Subic na yan kahit mag-isa ka lang.” Itinigil pansamantala ng Lola ko ang kanyang paggagantsilyo.

“Pero mas masaya pa rin po kapag kasama ko sila.” Pinapanood ko pa rin ang sayaw ng chimes.

“May siomai diyan. Kumain ka na lang. Kung ayaw ka nilang isama, huwag mo na silang problemahin. Ikaw lang ang masisiraan ng bait sa kakaisip kung bakit ayaw ka nilang isama.” Alam talaga ng Lola ko ang kiliti ko. Siomai. Siomai. At marami pang siomai.

Bago pa lang naman akong myembro ng Green Elves, isang samahan ng mga nagtatanggol sa kalikasan, sumasama sa mga clean-up drive na ginagawa sa coastal areas, bundok at maging sa mga estero sa Maynila. Siguro, hindi pa nila nai-imbibe na myembro na rin ako. Baka sa susunod ay isama na nila ako. Basta ako, hindi ako kailanman aasang maibibigay ng aking organisasyon ang gusto ko. Ako dapat ang magbigay ng kahit ano sa aking grupo.

Advertisements

One thought on “Excluded Ako Sa Mga Biyahe Nila

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s