Kung Ngayon Ang Last Day Ko

Sabi nila, sa 2012 ay magugunaw na ang mundo. Sana magkaroon ng 2 minuto ng flashforward para makita ko kung buhay pa ako sa taong darating, kung sakali mang magugunaw na ang mundo. Pero paano kung ngayon na ang aking last day?

Magte-teks ako mamaya sa aking pamilya. Sasabihin ko kung nasaan ang aking savings. Hindi naman kalakihan, pero okey na rin, may magagamit silang pang-hatid sa akin six feet below the ground.

Magte-teks ako sa aking mga kaklase. Sasabihin kong, “ipagpatuloy lang nila ang mga magagandang simulain.” Sasabihin kong pagsikapang mas mapabuti ang kalagayan ng Pilipinas at ng buong mundo.

Magte-teks din ako sa aking mga nakakasama sa pag-akyat ng bundok. Magpapaalam at magsasabing, “Ipagpatuloy ang pangangalaga sa likas na yaman ng bansa.”

Magte-teks ako kay Robert at magpapaalam, kahit medyo matagal-tagal na rin kaming di-nagkita at di siya nagre-reply sa aking mga teks. Kay Bing din na ayaw mag-teks sa akin. Kay Leo din. At kay Claire. Kay Aling Tonyang na may-ari ng van na gusto kong rentahan papuntang Pangasinan. Kay Mang Tony na may-ari ng 4×4 na sasakyan paakyat ng Mt Pinatubo.

Kay Mang Domeng din na dyanitor, ite-teks ko siya at tatanungin kung “Ano’ng balita?” Kay Aling Bebang na naglalaba ng mga damit ko. Kay Ate Jana na landlady sa apartment ko sa Subic. Kay Mang Karding na magsasaka sa Hacienda Luisita. Kay Bryan din pala na sumama sa akin noong bumili ako ng bag sa TNF sa MOA. Kay Alice na nanlibre sa akin sa IMAX, nanood kami ng Transformers 3. Kay Mercy na nagpasalubong sa akin ng Starbucks mug galing ng Singapore. Kay Ingrid na nasa Germany na ngayon, magpapasalamat ako sa kanya sa life lessons.

Kay Doktor Rubio na nag-aalaga sa akin at bilang pangalawang ama. Salamat po sa tuwing binabantayan ninyo ako at nagkukuwentong “parang ako ang anak niyang namatay sa sakuna.” Sa nars na si Janice, sa walang sawang pag-alalay sa akin kapag galing ako sa mga chemotherapy session. Sa lahat ng nag-aalaga sa akin sa ospital, sa kanilang walang-sawang pagbibigay ng lakas ng loob at pagsasabing “Live life at its fullest.”

Sa aking bestfriend na si Regie, sa kanya ko lang sinabi ang tunay na kalagayan ko. Sa walang sawang pagsama sa akin sa mga lugar na hindi pa namin napupuntahan. Na kahit hindi ko kayang umakyat ng bundok at ayaw niyang umakyat ay sinasamahan pa rin ako.

At sa aking pinakamamahal. Salamat sa lahat.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s