Para Sa Iyo

Kailan ba tayo huling nagkita? Noong nakaraang buwan pa yata. Naaalala mo pa ba noong tineks at tinanong mo ako kung na-miss ba kita? Ano ba ang isinagot ko sa iyo? Parang hindi yata kita direktang sinagot, sinabi ko lang yatang huwag kang mag-alala at naiisip naman kita. Kasi naman kung magtampo ka ay parang wala nang bukas pa.

Sige na nga, aaminin ko na. Nami-miss na kita. Pero huwag mo nang piliting magkita pa tayo at parang ayaw ko muna. Bakit ka kasi umalis? Masaya naman tayo. Halos linggo-linggo nga kung magkasama tayo noong mga nakaraang buwan. Basta wala akong ginagawa, sinisikap kong gumawa ng paraan para makasama lang kita. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ginusto mong magpakalayo. Noong una ay inisip kong nagpapa-miss ka lang. Hanggang sa parang ako na ang napalayo sa iyo. Napagtanto kong kahit nami-miss kita ay parang ayaw na kitang makita. Okey nang kahit kateks lang kita. Ewan ko lang kung mag-iba ang aking nararamdaman kapag nagkita ulit tayo.

Noong isang araw lang ay Pambansang Araw ng mga Bayaning Pilipino. Habang nagwawagayway ang mga tao ng bandila, may biglang nagkagulo sa likuran ko. Nagtitili ang isang dalagita at ninakaw daw ang kanyang celfone. Ngunit parang wala lang nangyari. Hindi natinag ang mga tao. Siguro naisip nilang may pagka-tanga ang babae dahil alam na niyang nagkalat ang mga magnanakaw sa lugar na iyon pag may okasyon, hindi pa nag-ingat. Alam mo, bigla kitang naisip. May tutulong kaya sa iyo kung nagkaroon ka ng problema? Kung madapa ako, may tutulong din kaya? O pagtitinginan lang ako dahil maiisip nilang ako ay napakalampa?

Advertisements

One thought on “Para Sa Iyo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s