Sa Susunod Nating Pagkikita

Kailan mo ba gustong magkita ulit tayo? Huwag ka na kasing magtampo. Hindi naman kita nakalimutan. Lagi nga kitang naiisip. Tapos kapag tineteks kita, hindi ka naman nagre-reply. Lagi nga akong umaasang sasagot ka sa teks ko.

Ganoon na ba kalaki ang tampo mo sa akin? Porque ba hindi kita sinamahan papuntang airport ay magtatampo ka na? Oo, plinano natin iyon. Ngunit hindi ko naman ginustong hindi makasama sa iyo sa araw na iyon. Nagkataon lang na sinumpong ako ng pagka-bugnutin ko. Nagtatampo ako noong araw na iyon sa iyo. Kasi naman… iiwan mo na ulit ako. Sino naman ang gustong malayo ang minamahal? Wala. Kung mayroon man, ikaw iyon. Handa mo akong iwan para sa ibang tao. Kapag nabasa mo ito, sasabihin mo na namang napaka-selfish ko. Ako nga, hindi ko tinanggap iyong trabaho sa Los Baños para hindi malayo sa iyo. Tapos ikaw, isang tawag lang sa iyo, umoo ka na agad. Sumakay ka pa ng eroplano. Ang mahal kaya ng pamasahe papuntang La Union tapos sasakay ka pa ng van paakyat ng Baguio. Pwede naman kitang ihatid kahit sa Baguio, sa bus nga lang.

Ikaw pala ang nagtatampo. Parang pareho lang tayong may hinanakit. Pero sige na nga, sa susunod nating pagkikita ay may ipagyayabang ako sa iyo. May bago akong gamit. Nabili ko lang sa may kanto bago ka umakyat ng Bundok Tralala. Gusto mong malaman? Ipapasubok ko sa iyo ang ultimate pantanggal ng tampo. Ultimate na parang supahdupah, ayon kay Bob Ong.

So, kailan?

Advertisements

One thought on “Sa Susunod Nating Pagkikita

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s