Torpe Pa Rin

Mahal ko naman siya. Kaya lang, namumrublema ako. Hindi ko alam kung paano ako magsasabing mahal ko siya.

Bakit naman kasi ipinanganak akong torpe? Puwede namang si Gerald Anderson na lang. Kahit di siya manligaw, magugustuhan pa rin siya. Sa katulad kong wala naman kayang ipuhunan gamit ang mukha, hindi ideyal ang torpe. Walang mararating sa larangan ng pag-ibig. Expected nang maging soltero habambuhay. Suwerte kapag may pumatol kahit man lang pikit-mata.

Tumingin ka lang at baka may masumpungan…

Umaalingawngaw na naman ang kanta ni Yeng na dati nang naging unofficial national anthem ng Pilipinas. Kung may hahawak sana sa aking kamay at kayang magsabing “Mahal kita.”

Ang hirap talaga. Hindi ka siguro nakaka-relate kasi ‘di ka naman torpe. Matanda na ako pero ganun pa rin. Parang wala akong ipinagbago. Nag-mature man siguro ang aking pananaw sa buhay pero hindi ang aking confidence. Kung nagpakita lang si Santa Claus noong Pasko, mangunguna ako sa listahan ng mga magpapatanggal, hindi ng sobrang taba (*wala akong pakialam sa aking mga umaalagwang bilbil*), kundi ng hiya.

Kahit man lang sana isang beses, maging barumbado ako! At nang masabi kong mahal ko siya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s