Rated PG: Tigasan Mo Lang, 'Tol

Mag-a-alas-siyete na. Kailangan ko nang umuwi. Nangangatog na ang aking mga tuhod. Kakarampot na kinikita. Kakarampot na pera. Masakit isipin ang mga problema. Kaya ayokong intindihin. Gusto ko munang matulog.

Dati-rati, madali ang lahat para sa akin. Nagtuturo ako dati sa isang iskuwelahan. May regular na kinukuhanan ng pera kaya hindi ako nag-iisip masyado noon kung saan ako huhugot ng pera.

Nagsimula ang aking mga problema nang ako ay magpasyang umalis sa pagtuturo. Nabakante ako. Nagamit ko ang aking ipon. Umuwi muna ako sa amin. Hanggang sa maramdaman kong nabubugnot na pala ako sa aking buhay. Bumalik ako ng Maynila. Naghanap ako ng trabaho. Ayoko munang mag-call centre noon. Wala akong ibang mahanap, kaya sinubukan kong magtrabaho sa isang bar.

Noong una, bawal ang take out. Nguni’t unti-unti akong lumakas. Sabi sa akin, tigasan mo lang, ‘tol. Tinigasan ko ang aking puso. Linakasan ko ang aking loob. Hanggang sa umpisahan kong magsayaw sa saliw ng malamyos na tugtugin at madilim na ilaw. Sa pagsasayaw pala, kailangan mo lang lambutan… hindi ang iyong damdamin, kundi ang iyong katawan… upang maengganyo ang mga taong nanonood sa iyo na bumalik at muling pumalakpak sa pag-indayog ng iyong katawan. Ginalingan ko ang aking pagsasayaw. Unti-unti, naramdaman ko ang paglubog ko sa hukay ng buhay. Di-naglaon, sumasama na ako sa paglabas sa mga kustomer ng bar namin.

Eh, ano ngayon kung ako ay isang call boy? Wala akong inaagrabyadong tao. Yan ang aking patakaran noon. Para sa lahat ng tao, ang pag-ibig ay isang laro lang sa amin. Ang alam nila, ang puso namin ay bato… hindi kayang makaramdam, hindi kayang magmahal. Walang gustong maniwalang kaya rin naming magmahal. Ngunit sino ba ang gustong maniwala kung ang mga sarili namin mismo ay ayaw maniwalang may pag-ibig. Sa mga katulad naming pakangkang, ang lahat ay namamanipula sa ngalan ng pera.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s