Ang Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Anna Monica

Biglang tumunog ang alarm clock. Oras na para gumising. Napabusangot si Anna Monica. Ang sarap ng kanyang panaginip. Nguni’t naisip niyang mas masaya ang gagawin niya ngayong araw kaya tuluyan na rin siyang napabangon at naghanda.

It’s time for Anna Monica. Sa isip niya ay may nangyayaring natatanging pagganap sa entablado. Malapit na siyang bumaba sa taksi. At napapangiti siya. At di niya napapansing nakikita pala iyon ng mamang drayber.

Hay salamat, narating din niya ang destinasyon. Pag-apak ng kanyang kanang paa sa sementadong daanan, biglang sumahimpapawid ang naggagandahanat makukulay na fireworks. Kung paanong nagkaroon ng fireworks sa katanghalian ay wala na siyang pakialam. Kung paano rin niya nakita ang mga kulay ng fireworks ay ipinaubaya na niya sa siyensiya ang sagot. Basta ang alam niya ay lalakad siya ng marahan sa saliw ng tugtuging Disturbia.

Bam bam bi ram! Bam bam bi ram bam! (That’s right)   
There’s a thief in the night to come and grab you 
Disturbia! Disturbia!

Biglang nag-ring ang bell. Palabas ang mga istudyante. Aba at nagsasayaw din!

Kaya walang magawa si Anna Monica kundi mag-ober da bakod. Pero napaisip siya, naka-dress siya at naka-heels na pamatay ng sinumang magtangkang humablot sa kanyang pinakaiingat-ingatang korona. “What if…? Ah, bahala na…” Itinuloy na rin niya ang pagsampa sa pader. Bigla ba namang may dumaang trike, at hindi lang basta-bastang trike, dinaig pa ang bilihan ng component sa tindi ng tugtog. Napangiti si Anna Monica at pati ang dumaang madre ay napangiti. Buti na lang akma yung Sexy Back habang nakasampa ang ating bida sa pader.

Hayun, nakapasok na rin ang ating bida sa loob. Nakaiwas pa siya sa bugso ng mga taong palabas.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s