Rated PG: Usapang Senswal

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa dulo ng kalsadang iyon. Ang alam ko, galing ako sa isang Christmas Party. Kasama ko siya. Kasama ko rin siya. Tatlo kami. Hindi namin alam kung paano umuwi. Hindi naman talaga ako umiinom ng alak, pero sa gabing iyon, may kung ano’ng nagtulak sa akin para maglasing. Nadala lang siguro ako ng frustration na nararamdaman ko. Kasi naman, hindi ko man lang siya nakita bago siya pumuntang Singapore. Magpa-Pasko pa naman.

Pumasok kami sa bahay na iyon. Hindi ko alam kung kanino sa dalawang kasama ko ang bahay na iyon. Dumiretso kami sa kuwarto para matulog na. Okey lang naman kasi wala daw yung mga magulang ng isa kong kasama, ayon na rin sa pagkakasabi ng kasambahay. Gusto na rin naming magpahinga. Pagkahiga namin, inantok na ako. Iyong isa, naramdaman kong bumangon. Matagal siyang nawala. Naisip kong baka naligo siya.

Bigla ko na lang naramdamang humahalik sa akin ang katabi ko. Wala akong magawa. Lasing ako. Wala akong lakas para tumanggi sa kanyang mga halik. Sinisikap niyang ipasa sa akin ang kanyang init. Nilaro niya ang aking dila. Kinagat-kagat niya ng marahan ang aking mga labi. Dinilaan niya ang aking tainga. Bumaba siya sa aking leeg. Pababa ng pababa. Dumaan siya sa aking tiyan, sa aking pusod.

Naramdaman kong tumigil siya. Napakadaya naman niya. Kung kailan ako nag-init, saka niya tinigilan. Kinabig ko ang kanyang ulo. Siniil ko siya ng halik. Tinagalan ko ang paglaro sa kanyang dila at sa kanyang mga labi. Bumilis ang tibok ng aking puso. Napapunta ako sa kanyang dibdib. Tumaas ang arko ng kanyang katawan.

Nakarinig ako ng tawa ng bata. Nag-alarm pala ang aking cellphone. Alas-sais na pala. Naalala ko ang teks ng aking tiyahin. Agahan ko daw ang pag-uwi para makasama niya sa pamimili. Bumangon ako. Nag-ayos ako. Iniwan ko ang dalawa kong kasama sa kama. Nagpunta ako sa banyo. Nagsalamin. Dyaske naman o, may pasa ako sa leeg, sa bandang ibaba ng aking kanang tainga. Mabilis kasi akong magkapasa, wala naman akong leukemia. Kinurot siguro ako ng maligno habang natutulog ako.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s