‘Di Puwede Ang Lalaking Torpe Sa Babaeng Segurista

Ang mga babae daw ay nakakaramdam kung may gusto sa kanila ang isang lalaki. Pero hindi nila pinapatulan agad ang kanilang nararamdaman. Kasi nga baka masabihan silang feeling o masyadong mapag-assume. Sabi ni Zo Aguila, defense mechanism daw nilang mga babae ang ganitong pag-uugali. Kung hindi masabi ng isang lalaki na mahal niya ang isang babae, hala napakalaki daw ng hinaharap niyang suliranin. Dahil ang mga babae daw ay segurista. Gusto nilang makatiyak na hindi sila masasaktan. Gusto nilang makita ang lahat ng baraha ng lalaki.

Kalimitan, ang mga lalaking di-makapagsabi ng saloobin sa isang babae ay tinatawag na torpe. At ang karaniwang istilo nila ay napapaloob sa kasabihang action speaks louder than words. Umaasa silang mabibigyang-kahulugan ng babaeng nagugustuhan nila ang lahat ng kanilang ginagawa. Nguni’t ang mga babae daw, ayon pa rin kay Zo, hindi agad gumagawa ng sariling konklusyon sa mga pagpapalipad-hangin sa kanila. Naiisip daw nilang, the guy is just being nice. At kapag hindi daw makapagsabi ang lalaki, parang uncertain daw ito sa kanyang nararamdaman. Sabi pa ng kampo ni Eba, wala silang mahawakang dahilan o katiyakang di rin ginagawa ng isang lalaki sa iba ang ginagawa sa kanila. In short, gusto nilang makasigurado sa pag-ibig.

Ayon sa mga eksperto sa usaping personalidad at relasyon, ang mga torpe ay kadalasang tahimik, mahilig mag-isa, malawak ang imahinasyon, at kadalasang malalim ang iniisip lalo na kapag napag-isa. Ang kanilang pagkatahimik ang kumukuha ng atensyon sa mga babae, lalo na sa unang pagkakataon. Nguni’t habang tumatagal ay mawawala din daw ang pagka-aya ng isang babae sa isang lalakeng torpe lalo na kapag ang babae ay mas gusto ang isang lalaking vocal.

Ang mga torpe, kahit ano’ng gawin mo, torpe pa rin yan pagkatapos. Natural iyon sa kanila. Kahit ano’ng words of encouragement ang ibigay mo sa kanila, walang mangyayari. Kasi nga natural na mahina ang kanilang driving power sa pagtatapat. Kalimitan, ang mga lalaking torpe ay umaasang mapapansin din sila balang-araw ng babaeng itinakda sa kanila ng tadhana. At kapag nangyari iyon, umasa kang ang babaeng iyon lang ang kanilang mamahalin habang-buhay. Peksman!

Kasi nga torpe. Pahirapan na nga sa pagpapapansin sa isang babae, mambababae pa?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s