Kapag Umasa Sa Pangako

Magka-college na ako noon. Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ko. Masaya kasi may honour ako na grumadweyt sa hayskul at makakapag-UP na ako! Pero mas malungkot ako dahil maghihiwalay na kami ni Ingrid. Paalis na siya at ng kanyang pamilya papuntang Australia. Pero nag-usap na kami tungkol doon bago pa man dumating ang araw ng aming pagtatapos.

Abril 2000. May training para sa mga nakapasa sa DOST Scholarship. Huling linggo ng buwan ay pumunta ako sa Maynila para mag-ayos ng mga kakailanganin ko sa pagyu-UP. Bumili rin ako ng isang stuffed toy para kay Ingrid. Magarang-magara ang binili ko para pwede niyang yakapin. Malay mo, malamig talaga pag may snow.

Mayo 2000. Nagsimula na akong magkalat ng aking mga kapangyarihan sa Elbi. Maganda ang lugar. Kahit papaano naaliw akong maglakad mula Forestry hanggang Animal Science. Hindi ko pa kasi alam noon ang sakayan. BioSci lang alam ko noon. Lagi akong pumupunta sa BioSci pagkatapos ng klase-klasehan namin. Kung may maabutang dyip pa-Forestry, nagpapasalamat ako sa Diyos. Kung hindi, naglalakad ako noon paakyat. Dumating ang kalagitnaan ng buwan. Iyon din ang mismong araw ng pagpa-register ko. Iyon din ang araw na lilipad si Ingrid papuntang Australia. Inagahan ko ang gising. Nagbasakali akong matatapos agad sa pag-e-enrol. Ang haba pala ng pila. Pinahubad-hubad pa sa Infirmary, instant porn star! Hapon na pero hindi pa ako natatapos sa dami ng mga first-timer gaya ko. Nang matapos ang pagpapa-enrol ko, parang nawalan ako ng gana. Nakalipad na iyong eroplano. Nakalipad na rin si Ingrid. Sana man lang kahit kaunting silip sa airport. Sana man lang kahit kaunting tingin sa kanyang buhok habang inililipad ng hangin. Pero wala. Ni gate nga ng airport, ‘di ko nakita.

Hunyo 2000. Pasukan na! Medyo natuwa naman ako sa dami ng tao. Sa buong buwan ay lagi kaming nagsusulatan noon ni Ingrid. Hanggang sa napagdesisyunan naming sa e-mail na lang. Lingguhan kung mag-check ako noon ng aking e-mail. Wala pa atang Friendster sa Pilipinas noon. Hotmail pa nga ang gamit ko.

Nagpatuloy ang buhay ko sa Elbi. Hanggang sa dumalang ang mga e-mail ni Ingrid sa akin. Inisip ko na lang, busy siya. Ikaw ba naman ang mag-aral sa Australia. Lahat English ang gamit sa mga subject. E ‘di pa naman masyadong magaling iyon sa English. Haha! Naku baka mabasa niya ito. Pero napag-aaralan naman ang paggamit at pagsasalita ng wikang Ingles. Siguro nga ngayon, magaling na siya, matatas na, may Australian accent pa.

Wala akong inisip kahit ano kasi napag-usapan na namin iyon bago pa man siya umalis, in fact, bago pa kami grumadweyt.

Disyembre 2003. Laking tuwa ko, tinawagan niya ako. Umiiyak siya noon. Naisip ko, nami-miss na niya siguro ako. Kaya naman kwinentuhan ko siya ng mga nangyari sa akin, pero hindi ko sinabing tapos na ako. Sorpresa ko iyon para sa kanya next year. Kumpleto ang Pasko ko.

Mayo 2004. Todo handa ako sa pagbabalik ni Ingrid. Meron pa akong nalalamang work-out noon. Isang araw, tinawagan niya ako. ‘Di raw siya makakauwi. Sabi ko sa kanya, ‘di bale, baka next month, pwede na.

Hanggang sa malaman ko na lamang na ikinasal na pala siya doon. Bakit nagyari iyon? Paano? Akala ko, pagkatapos ng apat na taon, pipilitin kong mapuntahan siya sa Australia. At kung hindi man pwede, siya ang uuwi ng Pilipinas. Yun ang dahilan ko kung bakit sinikap kong tapusin ang kurso ko ng 3 ½ taon para makapagtrabaho muna ako. Kumbaga, magkapera man lang ako ng kaunti para may pang-treat sa kanya pag-uwi niya. Iyon pala, mauuwi din pala sa wala ang pinaghandaan ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s