Akala Ko Nga Rin

Naglalakad ako sa may kanto nang makita ko ang isang magandang dalaga. Binilisan ko ang aking paglakad para masabayan ko siya. Aabutan ko na sana nang lumiko siya sa kasunod na kanto. Patay-malisya akong sumunod. Tapos napansin kong kinuha niya ang kanyang cellphone. Tapos narinig ko siyang nagsabi ng, “O, anak, napatawag ka..” Akala ko dalaga pa rin. Okey lang naman sana kahit may anak na siya. Paano kapag may asawa pa rin siya at happily married? Sa sumunod na kanto, lumiko ako. Gumawa ng sampung hakbang. Lumiko pabalik. Male-late na ako. Sana hindi pa.

Habang nakasakay ako sa dyip, sari-sari ang aking naiisip. Maling akala. Marami ang namamatay sa maling akala. At marami ang nagkakasiraan sa maling akala. At dahil yan sa mga kuwento at ispekulasyong mali ang tinutuntungan. Kadalasan kapag may gusto tayong i-share na kuwento, pinapasakalyehan natin ng I have a friend… o kaya May kaibigan ako… Ginagawa ko yun kapag ayokong masabit ang aking pangalan sa ikukuwento ko. Minsan, di naman talaga ako. Pero kung minsan, sa akin talaga ang kuwentong yon.

Katulad ng kuwento ko ngayon. Meron akong kaibigan. Lagi ko siyang naiisip. Sa isip ko, sira na yung tulay sa pagitan namin. Di na kasi kami nag-uusap. Magkalapit lang naman ang pinapasukan namin. Di ko kayang mag-first move. Torpe kasi ako. Mahina ang loob kumbaga. Pero marami akong gustong sabihin sa kanya. Noon pa…

Naunahan lang ako ng ipinadala niyang sulat sa akin. Madami siyang sinabi, na kesyo ganito, na kesyo ganon… Totoo lahat ng premise pero mali ang lahat ng kanyang conclusion. Sabi ko kasi sa aking sarili, kausapin ko na dapat siya. Pero di ko talaga kaya. Akala nga ng lahat ng kaibigan namin, okey kami. Akala ko nga rin…

Hindi pala.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s