Usapang Pag-ibig Sa Umaga

Cousin!…” normal na sa mga magpinsang Ilokano ang gano’ng tawagan. At mother para sa kanilang nanay o mga matandang babae. “…andito ka pala.” Napatawa ako. ‘Yon ang kalimitang nakakatawa sa mga Pinoy… nakikita na nga, sasabihan ka pa ng gano’n. “Oo naman.”

“Di ba, may work ka?” Tanong niya sa akin.

“Kaka-resign ko lang.” Humigop ako ng iniinom. Hulyo noon.

“Ba’t ka nag-resign?” Sabay kuha sa tasa ko at humigop din ng gatas. Napakunot-noo siya. Nanibago siguro siya sa ininom. Nilapirot niya ang munting butil sa labi niya.

“Trigo yan.”

“Ah okey… Penge pa nga. Ansarap!” Napapalatak pa nitong sabi. “O, ba’t ka nga nag-resign? Wag mong sabihing ayaw mo na ng pera.”

Napangiti ako. “Di naman. Kaya lang may mga bagay na di-madaling i-explain.”

“Paano na yung lagi mong iniisip na taga-Elbi?” Napatawa siya.

Cousin naman, ‘di naman ako mahal nun. At saka di naman niya ako magugustuhan.” Napatungo ako.

“Pa’no mo namang nasabing ‘di ka n’ya mahal?” Dyaske naman itong pinsan ko. Tanong ng tanong. Ang aga-aga, parang tsismosa. “Sinabi mo bang mahal mo s’ya o kaya nalaman ba n’yang mahal mo siya?”

“Hindi.”

“Iyon naman pala eh!” Daig pa niya ako. Parang siya ang may gusto.

“Eto siya…” Iminuwestra ko ang aking kamay na pinapakitang langit siya. “Eto naman ako.” Ipinakita kong lupa ako. “Hindi bagay…”

“Nagiging madrama ka na naman. Bawas-bawasan mo nga ang panonood ng Notting Hill.” Pang-ilang beses na ba niyang pinanood ang pelikulang iyon.

“Sa hindi talaga puwede.”

“Torpe ka talaga kahit kelan.” Binatukan pa ako.

Hon…” Nagulat ang pinsan ko. Hindi niya inaasahan ang tawag na iyon.

“Bakit?”

“Iabot mo nga iyong tuwalya. Nakalimutan ko.” Pagtayo ko, hinampas ako ng aking pinsan.

“Pa-drama-drama ka pa kanina,” mahinang sambit nito. Pinandilatan ko siya.

“O ano…” Napapangiti nitong sambit.

“Ba’t andiyan ang babaeng matapobre na ‘yan? Akala ko ba ayaw niya sa iyo kasi mataba ka.”

“Nag-usap na kami noong isang araw. Tinawagan niya ako. Nakita daw niya iyong Multiply ko noong hinahanap niya iyong mga kakilala niya. Nakita niya ako. Pero wala naman pala siyang Multiply.”

“Ano’ng sinabi sa iyo?”

“Ayun, nag-sorry. Blah blah blah blah…”

“Aysus, naniwala ka naman agad?”

“Hindi naman. Sinabi ko naman iyong side ko sa kanya.”

“Bakit pa-honhon siya ngayon?”

“Pagbigyan mo na, eight years na rin namang namalagi iyan sa US.”

So?”

So, matagal na ang insidenteng iyon…” Ang tinutukoy ko ay noong sabihan niya akong hindi niya ako kailanman magugustuhan kahit ako pa daw ang maka-discover ng gamot sa kanser. Matagal ko ring ininda iyon. Ilang araw akong di-makakain nang tama sa oras. Ilang beses akong lumiban sa klase ‘wag lang siyang makita, ‘wag lang siyang marinig, at ‘wag ko lang makita ang mga ngiting nagpapasigla sa tibok ng aking puso. “Isa pa, matatanda na kami. Graduate na tayo dapat sa mga episode na ganyan.”

Hindi namin naituloy ang usapan. Dumating kasi si Ivy. “Hi,” bati agad nito sa pinsan ko.

Hello,” sagot ng aking pinsan.

Hon, let’s eat…” sabay himas sa balikat ko.

“Mauna ka na.” Malambing naman ang pagkasabi ko.

Pagkaalis ni Ivy, sita agad ni Pinsan, “Ba’t ang lambing mo?”

“Alangan namang bulyawan ko.”

“Ano ba talaga ang iskor?” Tanong sa akin ng aking pinsan.

“Binigyan ko ng chance ang sarili ko na mag-isip. Kapag ‘di pa ako tineks o wala man lang akong natanggap na kahit ano galing kay Julia, kukuhanin ko na ang mga gamit ko sa Maynila at uuwi na pabalik dito. At malamang, tatanggapin ko na si Ivy.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s