Pag-ibig Nga Naman

Tunay ngang masarap magmahal. Ngunit sabi nga ng iba, higit na maganda sa pakiramdam ang minamahal. Nakabatay lang iyan sa kung ano ang iyong gusto. Kung gusto mong magmahal, ngayon pa lang magsabi ka na. Kung gusto mo naman ang ikaw ay mahalin, walang ibang daan patungo diyan kundi iyong katotohanang dapat ay may handang umibig sa iyo.

Pag-ibig… pag-ibig… lagi na lang sinasambit sa bawa’t usapan. Laging nakasingit sa bawa’t plataporma ng mga magkakaharap na isipan at bibig. Ngunit ano ba talaga ang pag-ibig? Tama na ba iyong makaramdam ka ng sabay-sabay na kabog sa dibdib habang papalapit ang isang nilalang na sa bawa’t araw na nilikha ng Maykapal ay siya ang nagbibigay-ligaya sa iyong puso?

Kapag minahal mo ang isang tao, sinimulan mo na rin siyang bigyan ng karapatang saktan ang iyong damdamin, alam niya man o’ hindi. Lahat ng kanyang kilos ay makakaapekto sa iyong puso. Kung may kasama siyang iba, bigla na lamang makakaramdam ng hindi maipaliwanag na sakit ang iyong kalooban. Kung ikaw naman ang kinakausap, iniisip mong kayo lamang ang nilalang sa mundo.

Kapag nagmahal ka, dapat wala kang hinihintay na kapalit. Hayaan mo lamang na mahalin siya. Iyong isipin na ang pagmamahal ay walang kapantay na ligaya sa damdamin. Kalakip ng pagmamahal na iyong ibinibigay ay ang pagtanggap sa buong katauhan niya.

Sana sa iyong pagmamahal ay hindi ka magmamaramot sa mga kaunting pagkakamali. Kung mangyari mang lumala ang sitwasyon, isipin mo lang ang unang pelikulang pinanood ninyong dalawa, ang kainang una ninyong pinuntahan, o’ kaya ang unang araw na kayo ay naglakad sa ilalim ng ulan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s